Let me share a heartwarming poem
written by my laye grandfather. He passed away this June 2012 but left our
family his legacy and teaching we’ll be forever reminded of. The
moment I was able to read this, I figured out there’s so much I owe God,
especially, for putting me to an imperfect yet such a wonderful family. Here it
is:
ANG PAMILYA NAMIN
Ang
pamilya namin binuo ng Diyos
Kaming lahat dito may galak na lubos,
Sa pamilyang ito nakabilang ako
Loob ng Maykapal habang-buhay ito.
Salamat kay ama na mapagbigay saya
Gayundin kay ina at mapagkalinga siya,
Sa aking kapamilya salamat sa inyo
Nalulugod ako na magkasama tayo.
Hindi man laging maligaya tuwina
Minsan may pagluha dulot ng problema,
Sa alin mang panahon talos na namin
Anumang pagsubok makakayang lutasin.
Sa lungkot man o tuwa kami'y magkaramay
Pamilya namin mananatiling matibay,
Kaya nga ating Diyos salamat sa Iyo
Sa pamilyang ito inilagay mo ako.
Lolo Erning, thank you for making me realize so many
things, the wisdom and love, and memories spent with you. You’ll truly be
missed lolo.
No comments:
Post a Comment